Kadalasan, pag may hawak tayong pera ang unang nasa isip natin ay kung paano ito gagastusin, nagiisip tayo agad ng mga bagay na maaari nating bilhin. Pero sa huli, mauuwi tayo sa walang ipon. Paano nga ba umasenso sa buhay si Coco Martin, isang kilalang aktor, direktor, at ngayon ay brand ambassador ng BDO Network Bank?
Aniya, may tatlong tips siya na tiyak na makakatulong sa ating mga kababayan. "Una, ang pag-iipon. Pangalawa, palaguin ang ipon. Pangatlo, mahalagang makahanap ng tamang partner-bank na mapapagkatiwalaan mo para yung ipon mo, masiguro mo na safe ito. Mahirap yung nag-iipon ka tapos tinatago mo lang sa bahay mo o kung saan man. Baka mamaya, mawala," kwento ni Coco.
Dagdag pa nya, "Sa pagtra-trabaho, hindi pwedeng trabaho ka lang ng trabaho and then after that, gagastusin mo (ang kita mo). Dapat alam mo ang priority mo. Dapat may goal ka. Sa paghahanap-buhay, dapat may percentage ka na tinatabi for your future or for your emergency."
Inamin ng Ang Probinsyano at Batang Quiapo star na naglalaan siya ng 30 percent mula sa kanyang mga kita para sa emergency.
"Ang sina-save ko talaga, sa kabuuan ng sahod ko, is at least 30 percent. Ke-keep ko yan, kahit ano mangyari pipigilan ko na hindi magalaw yan. Maganda yung may fallback ako, na may madudukot sa oras ng pangangailangan. Yung 70 percent, yan na yung panggastos, pangtulong sa pamilya ko, lahat ng pangangailangan. Sa 70 percent na yun, hangga't maaari kung mapapagkasya ko, dun ako kumukuha ng capital kung anoman ang negosyo na naiisip ko. Basta sinisiguro ko yung 30 percent, hindi ko gagalawin yun."
Malaki ang pasasalamat ni Coco sa BDO Network Bank--ang community banking arm ng BDO Unibank--sa pag gabay sa kanya sa pagpapalago ng kanyang kita.
"Syempre kailangan mo rin ng mga guidance kung paano ito mapapalago. Thru BDO and BDO Network Bank, andun sila para gabayan ka at tulungan ka para palaguin yung pera mo," giit ng aktor.
Panoorin ang video sa link na ito; isang mensahe at tips mula kay Coco Martin para umasenso sa buhay.
Post a Comment